Ibinulgar ng utol… Sarah at Matteo, 1 year nang engaged, itinago lang!
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: @matteog
Samantala, happy naman ang Asia’s Songbird nang mabalitaang engaged na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Ani Regine, “You know, whenever you heard a friend getting engaged, it’s always a celebration. You’re always… you cannot help but feel you’re excited for them kasi pinagdaanan ko na ‘yun, na-engaged din ako. Parang… ang sarap talaga ng feeling, eh, tapos lalagay na sila sa tahimik. It’s wonderful.”
Rebelasyon pa ni Regine, “Alam mo, ang dami nang pinagdaanan ng relasyon nila na ‘yan. So feeling ko, parang wala nang makakapigil talaga. Ito ‘yan, parang hindi nila papayagan na may mangyari pa sa relasyon nila.”
Sa ipinost ng kapatid ni Matteo sa Instagram Stories noong Nov. 7, ini-reveal nito na 1 year nang engaged ang kapatid kay Sarah.
Caption pa niya sa photo nina Sarah at Matteo, “Congrats. They were engaged for about a year now. It was just a secret.”
Mismong si Matteo rin naman ay nag-post sa IG ng larawan nila ni Sarah at kitang-kita pa nga ang napakagandang singsing na nakasuot sa ring finger ng singer.
Caption pa ng aktor, “I love you my love, now and forever.” At as of this writing ay umabot na ito sa 666,820 likes.
Well, congratulations, Sarah and Matteo from BULGAR family!





Comments