top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo-sawsaw sa Claudine-Marjorie war, niresbakan sa pang-aagaw kay Jodi… Iwa, nasopla ng netizen, bi

  • Beth Gelena
  • Nov 7, 2019
  • 3 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Inaakusahan si Iwa Moto na nakikisawsaw umano sa awa­yang Marjorie at Claudine Bar­retto. Nag-react kasi si Iwa hinggil sa mental illness post ni Marjorie sa younger sister niyang si Claudine.

Ani Iwa sa kanyang Instagram account: “Mental illness used to mock people is so wrong. Having a mental illness is hard!!!”

Sinagot naman siya ni Claudine na “I know right.”

“Hayyyy, ate, people like that should be ashamed. Having mental illness is an everyday battle. I remember us talking about it before. I too am suffering with it. Kaya sana h’wag siyang bastos. Or maybe she should see someone also po kasi baka she needs help. No one in their right mind would joke about a disability,” lahad pa ni Iwa sa IG.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pakikialam ng dating aktres sa away ng Barretto sisters.

Sabi nila referring to Iwa’s message, “I don’t think @marjbarretto mocked people with mental illness. She mocked her sister to get even with her. ‘Pag sinaktan ka, normal reaction is gumanti sa salita rin. So, gumanti lang siya kay Claudine but it doesn’t seem she is mocking ‘all’ people with mental illness.”

‘Di pa rin tumigil ang common-law wife ni Pampi Lacson, ang ex-hubby ni Jodi Sta. Maria. Muli siyang sumagot sa netizen, “Yes, but mocking someone with mental illness is still wrong. I know she’s mad. And I understand that people say mean things when they are mad. But ate @clau­bar­retto has been struggling with this a long time na. And she’s mocking her.”

Hindi nagpatalo ang netizen, pinanga­ralan si Iwa na ‘wag nang magkomento. Manahimik na lang daw dahil public fi­gure rin ito.

“Ikaw din, baka madamay ka sa away nila na wala ka namang kinalaman… Leave it to other netizens… Ikaw kasi, kilala ka ng tao, mas madali ka ma-bash ‘pag nakisali ka pa sa away ng pamilya nila.”

‘Wag na lang daw gatungan ni Iwa ang away ng magkakapatid at mas mabuti kung tumulong na lang para magkaayos ang mga ito.

Bandang huli ay nalihis na ang topic, pumasok na ang agawan isyu.

Sey ng isang netizen, “Inagaw niya nga lang ‘yan kay Jodi Sta. Maria… ‘Di pa su­mikat, laos na at ngayon, nakisawsaw pa.”

Hanggang live-in lang daw ang puwedeng gawin ni Pampi kay Iwa at never itong magiging Mrs. Lacson. Sabi pa ng netizen, nakuha n’ya nga ang ex-husband ni Jodi pero never niyang maku­kuha ang apelyido nito.

Bumuwelta pa rin ang Kapuso actress, “Do a math, 9 years na silang hiwalay. 9 years na rin ang annulment nila. 7 years pa lang kami (with laughing emoji). Dear, do your research properly para ‘di ka magmukhang mangmang.”

Sagot naman ng netizen, “Nine years na palang annulled. Tapos, live-in pa rin, hahaha!”

Mismong si Iwa na ang nag­ta­pos ng kanilang pag-uusap ng netizen.

Aniya, “Eh, di ‘wag kang maniwala. Sige na, baka su­mikat pa ako ‘pag pinatulan kita. Laos na ako, eh.. hahaha!”

Kaya naman pala hindi pa nagpapakasal sina Iwa at Pampi ay dahil legally married pa rin ang aktres kay Mickey Ablan, ang ka-live-in ni Janna Domin­guez hanggang ngayon.

Ipinagtanggol din naman ng isang netizen si Iwa: “Her marital status has no relevance to the issue of mental illness. Stay with the topic. Don’t divert. Mental illness should be taken seriously. It is not a joke. How many lives were taken away due to depression? Think, bashers, before you click.”

Nag-comment nga lang naman si Iwa dahil magkaibigan sila ni Claudine.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page