'Di raw isyu ang gender sa mga taong nagmamahalan… Yen, umamin sa karanasan sa tibo nu'ng na
- Beth Gelena
- Nov 6, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

May nagtanong kay Yen Santos kung may posibilidad bang ma-in love siya sa isang miyembro ng LGBT.
Ayon sa Kapamilya actress, naniniwala siyang hindi importante ang kasarian kung tunay na nagmamahalan.
There was a time raw na may lesbian na nanligaw sa kanya nu’ng grade school siya. May mga nagpapa-cute, pero hindi naman daw niya sineseryoso.
“Hindi ka naman nai-in love dahil sa babae o lalaki siya. Marami akong kaibigang bading at may mga kakilala ako na lesbian ang karelasyon. So, nakikita kong may true love. Nagkakaroon ng true love sa love ng dalawang babae at dalawang lalaki.”
Kaya raw niya nasabi ang mga bagay na ‘yun ay dahil baka biglang may manligaw sa kanyang lesbian o gay, tapos bigla rin siyang ma-in love.
“Bibigyan ka ng tamang pagmamahal na hindi mo nakukuha sa iba o sa mga naging past mo — ‘yung mga ganu’n po,” dagdag pa ni Yen.





Comments