Naiinis sa BFF na tutol sa balikan nila ng boyfriend

Dear Roma, Ako si Odrei, 22. Sumulat ako sa inyo dahil naiinis ako sa kaibigan kong nagbago mula nang nalaman niyang nagkabalikan kami ng ex ko. Nagtataka ako kasi hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin ‘yun kahit nagpaliwanag naman siya. Sa lahat ng kaibigan ko, siya lang ang nagkaganu’n. Paano ko maibabalik ang friendship namin? – Odrei
Odrei, Naku, nakakapagtaka nga ‘yun dahil ang kaibigan ay dapat maging masaya kapag masaya ang kaibigan niya. Pero siguradong may dahilan siya at kung hindi mo ‘yun maunawaan ngayon, siguradong para naman ‘yun sa ikabubuti ninyo. Gayunman, huwag mong isipin na “friendship over” na kayo dahil baka kailangan lang niya ng space ngayon. Manatili kang kaibigan niya at huwag kang magbago dahil sabi nga sa Bible, “friends are the siblings God never gave us.” Malalampasan n’yo rin ‘yan. Good luck!





Comments