Ganern, Anne? Jasmine, naka-plunging neckline na, wala pa ring naghe-hello na boobs
- Nitz Miralles
- Oct 25, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Naging isyu ang suot na damit ni Jasmine Curtis-Smith sa media launch ng APT Entertainment at Cignal TV movie na Cara X Jagger kung saan sila ni Ruru Madrid ang mga bida sa direksiyon ni Ice Idanan.
Magkapareho raw ang damit nina Jasmine at Kyline Alcantara at ang dating sa amin, ipinasuot ng stylist ni Jasmine ang damit na unang isinuot ni Kyline. Kaya pumunta kami sa IG ni Kyline at may nakita nga kaming kakulay ng damit ni Jasmine. Kaya lang, magkaiba ang design ng dalawang damit, kaya hindi totoong hiniram lang ni Jasmine ang suot niya kay Kyline.
Sabi pa nga ni Jasmine, hindi pa siya nakikita ng ate niyang si Anne Curtis sa suot niyang maiksi na, plunging neckline pa. But in fairness, wala kaming nakitang boobs na lumabas sa suot ni Jasmine.
Anyway, sa November 6, na ang showing ng Cara X Jagger na kakaibang love story nina Cara (Jasmine) at Jagger (Ruru). Parang walang ibang kasama ang dalawa sa movie dahil hindi nabanggit. Pati sa trailer, parang wala kaming nakita.
Tinanong namin si Jasmine kung bakit sunud-sunod ang movie niya dahil bukod sa Cara X Jagger, may O rin siya sa Cinema One Originals at sa 2019 MMFF, kasama siya sa Culion.
Sagot nito, “Harvest lang nang harvest” at kung ganyan naman kagaganda ang movie projects niya, bakit hindi niya tatanggapin?
Next year pa naman ang airing ng Descendants of the Sun, kaya sa movie muna siya magpaka-busy.





Comments