Napaiyak sa ginawa sa kanya ng pamangkin… Sigaw ni Claudine: Julia, pinalaki ko para saktan lang ako
- Julie Bonifacio
- Oct 24, 2019
- 5 min read

Nagbigay ng reaksiyon ang Optimum Star na si Claudine Barretto sa Showbuzz radio program ni Jobert Sucaldito sa DZMM tungkol sa mga sinabi ni Marjorie Barretto sa panayam naman niya sa TV Patrol ng ABS-CBN nu’ng Martes ng gabi.
Tulad ng mga naisulat na namin tungkol sa magkasunod na iskandalong naganap sa burol ng Barretto patriarch na si Miguel ‘Mike’ Barretto, muling ikinuwento ni Claudine ang dahilan kung bakit nagkaroon ng engkuwentro ang Barretto sisters. Una, between Gretchen Barretto and their niece na si Nicole. And on the second night, sina Claudine at Marjorie naman ang nagkasakitan.
“Kasi, ganito ‘yan. Ang nangyari was that nu’ng nag-okey na si Mommy (Inday Barretto) at si Gretchen, nagyakapan, lahat, ang sumunod, ang sabi ni Pres. (Rodrigo) Duterte, ‘Sino pa ba rito ang hindi mo kasundo? ‘Yung naka-brown?’ tanong niya kay Gretchen. Itinuro ni P-Digong si Marjorie. Sabi naman ni Gretchen, ‘Opo,’” kuwento ni Claudine.
Itinuro raw ni Gretchen si Marjorie.
“Tapos, sabi ni Presidente, ‘Halika na, ayusin ko na kayo.’ So, papalapit pa lang kami, ay, nag-uusap na, may sinabi na ‘Ano?’ Hindi ko maintindihan. Basta, ang akala namin ‘Mano.’ So, sabi ni Marjorie, ‘Ako? Ako, Sir, magmamano? Kanino? Sa ‘yo? Or sa kanya?’ sabing ganoon ni Marjorie.
“‘Sa inyo po, magmamano ako, pero sa kanya, hindi po ako magmamano.’ Tapos, sabi ko, ‘Marjorie, stop it.’ Tapos, sabi niya, ‘Hindi ninyo po alam kung ano ang ginawa niyan sa akin at sa mga anak ko. Sinira niya ang buhay ng mga anak ko,’ ganyan. So, ako naman, kahit siguro sino’ng tao na nandoon would stop her. Kasi that’s disrespecting the president.”
Doon daw nasabi ni Claudine kay Marjorie ang salitang ‘unbelievable.’
“So, sabi ko, ‘Unbelievable. You’re unbelievable.’ Tapos, sabi niya, ‘Ah, talaga, unbelievable? Nagbabait-baitan lang kayo,’ ganyan-ganyan. Nagwawala na siya. ‘Yun. ‘Yun ang nangyari. Tapos sabi ko sa kanya, ‘How dare you do this in front of the president?’”
Sabi naman ni Kuya Jobert kay Claudine, “Uh, actually, that’s very sane, huh? That is very sane of you, oo.”
Um-agree si Claudine at sa pagpapatuloy ng kuwento niya, “Sabi ko sa kanya, ‘Nakakahiya. Nagpunta rito ‘yung tao, nakiramay.’ Ayun. ‘Yun na ‘yung start ng gulo hanggang sa sumulpot na lang si Nicole. Sumulpot siya.”
At nu’ng medyo tahimik na raw, biglang sumugod si Gretchen kay Nicole at doon hinila ‘yung buhok ng pamangkin.
Kung aanalisahin ang kuwento nina Marjorie at Claudine, mas naging klaro sa isipan ng publiko na sana, ‘di na nangyari ang kaguluhan kung nagpakatao at kinontrol na lamang muna ni Marj ang anumang poot na nararamdaman niya kay Gretchen bilang respeto sa kanilang ama at kay Pres. Duterte.
Imagine, ang presidente na ng Pilipinas ang humiling na magkaayos na silang magkakapatid, umarya pa rin ang pride at emosyon ni Marjorie?
Nakita rin ng publiko ang side ni Gretchen kung bakit kailangan niyang samahan siya ni Pres. Duterte sa wake ng dad niya, dahil nga knows niya kung gaano kagalit sa kanya ang pamilya and yet, with all humility and love for her father, na kahit man lang sa huling sandali ay makita niya ang kanyang ama and give her last respect, buong-tapang niyang hinarap ang kanyang tinalikurang pamilya noon.
At hindi madali na gawin ‘yun ng isang Gretchen Barretto dahil nga may mataas na pagtingin siya sa kanyang sarili. Pero ano ang ginawa niya? Kinailangan pa niya ang tulong ng highest and most influential man sa ating bansa para samahan siya sa wake to give her more encouragement and confidence na siguro naman, being with the President ay walang bastusan na magaganap, aayusin ang problema ng pamilya at magkakapatawaran.
But sad to say, kaplastikan para kay Marjorie ang nakita niya sa ginawang effort ni Gretchen.
Naiba siguro ang pangyayari kung pinagbigyan na lamang ni Marjorie ang pakiusap ni P-Duterte sa kanya na magkaayos na sila ng kapatid.
Sa interbyu rin ni Kuya Jobert kay Claudine, kinumpirma niya na minura siya ni Julia Barretto na anak ni Marjorie. Sinabi ni Claudine na isa rin si Julia sa mga nanakit sa kanya habang inaaway ni Marjorie. At dahil sa dinuru-duro na parang binatukan na raw siya ni Marjorie, doon nag-react si Claudine at nasampal ang nanay ni Julia.
“Sinampal ko siya. Sinampal ko siya talaga. Nagsabunutan kami. ‘Huwag ninyo akong gaganyan-ganyanin.’ I mean, initial reaction ko ‘yun, eh.
“Hindi ko gustong mambastos ng nakakatanda sa akin. But, huwag ninyo akong gaganu’nin lalo’t nandoon ang mga anak ko.
“Ayokong makita ng mga anak ko na okey lang na bastusin ka, at saktan ka ng ganyan. Tapos si Julia, ayun na.
“Alam mo, masakit sa akin, parang alam mo ‘yung pakiramdam na ‘yung anak, ‘yung saktan ka ng ganoon? Pinalaki mo? Sorry,” tila humihikbing sabi ni Claudine.
May inilabas daw na video si Gretchen sa nangyaring gulo nila ni Marjorie sa second night ng wake.
Tinanong ulit ni Kuya Jobert si Claudine if true na isa si Julia sa mga nanakit sa kanya physically.
“Kasama rin, oo. Kaya I don’t understand when she said na ‘My battle is not your battle.’ It’s your battle. You were the one who laid your hand on the person who you call Mama,” mariing sagot ni Claudine.
As much as possible, ayaw na raw magsalita ni Claudine about Julia.
“Alam mo, ayaw ko na sanang ilabas ‘to. Tahimik na ako especially for Julia because, whatever people say, nagre-react ka kapag nasasaktan ka. Kaya lang, nasaktan din niya ako, eh. Para akong nanay na nagtatampo, nagagalit. Hay, naku, I don’t wanna talk. Kaya lang si Marjorie, nagsalita.”
Nilinaw din ni Claudine na wala talaga silang relasyon ni Atong Ang at family friend lang nila gaya ni Edu Manzano na adopted son daw ni Mommy Inday.
“Yes, Atong is a family friend and Nicole’s ex-boyfriend, yes. Kasi natatandaan mo pa dati, ako ang natsitsismis? Dahil ako ang tagabantay ni Nicole. Kasi, bata pa siya noon, eh. So, ‘yung ipinagkakalat nila na sina Atong at Gretchen, mahiya naman sila kay Dada (Tony Boy Cojuangco). Eh, it’s so funny nga, nand’yan si Atong at nand’yan si Dada, ano ba ‘yun? Sa sobrang close nilang dalawa, iisipin ko si Atong at si Dada ang may relasyon, eh.”
When asked again by Kuya Jobert kung ano ang dapat gawin para magkaayos sila, hindi rin alam ni Claudine.
“You know, in all fairness kay Gretchen, everything she did already. Nagpakumbaba siya. Tama ‘yun. Sabi ni Marjorie, araw-araw nandu’n ako sa ICU, ako ang nakabantay sa daddy ko hanggang sa huling hininga niya. Gretchen was thinking of going, pero she didn’t have the strength, the courage to face my dad yet. And, pinagsisihan niya ‘yun. Makikita mo naman, eh, nagpakumbaba siya kay Mommy, sa lahat. So, it’s so sad na kinailangan pang may mawala para lang may makabalik. ‘Yun lang.”
Sad na sad pa si Claudine dahil napahiya sila sa harap ng presidente.
Suko na rin daw si Claudine na magkaayos silang magkakapatid.
“Ayoko na, oo. Ayoko na.”
Nagbigay din ng mensahe si Claudine sa publiko tungkol sa samu’t saring opinyon sa pamilya niya.
“Ah, wala akong masasabi kasi sa gulo ng pamilya namin, kung gusto ninyo kaming i-judge, sige po, okey lang po. Kasi, kami mismo, naguguluhan, ‘di ba? Pero sa mga nandu’n na nagdasal at wishing us still the best, thank you so much sa inyo. I think, this time, I can speak in behalf of my whole family. Thank you.”
Lastly, tungkol sa pangmomolestiya diumano sa kanya ng partner ni Marjorie na si dating Caloocan Mayor Recom Echiverri, sasagutin daw niya ito sa ibang raw. Pero idinenay ni Claudine na nanghiram siya ng pera kay Echiverri.





Comments