Bago pa mapanood sa Avengers…Pacquiao, bida sa hollywood movie
- Janice DS Navida
- Oct 17, 2019
- 2 min read

Una na naming naisulat ang sagot ni Sen. Manny Pacquiao nang matanong namin sa contract signing niya para sa bio flick ni Gen. Miguel Malvar kung willing ba siyang mapasama sa Avengers movie dahil sa balitang may alok sa kanya ang producer ng sikat na Hollywood film.
Ang sabi ni Pacman, ongoing pa lang ang talks pero open naman siya depende sa role at sa story.
Pero bago pa mapasama si Sen. Manny bilang isa sa mga superheroes sa Avengers movie, gaganap siya sa buhay ng isang tunay na bayani sa Hollywood war movie titled Freedom Fighters.
Local company na Inspire Studios ang magpo-produce ng Freedom Fighters pero may partner itong hindi pa pinangalanang major US studio, at next year (2020) na raw sisimulan ang shooting.
Gaganap si Sen. Manny bilang si Colonel Macario Peralta, Jr., lider ng Philippine Guerilla sa Panay Island na lumaban sa mga Hapon noong World War II.
Hindi pa sinabi ng CEO ng Inspire Studios na si Mr. Francis B. Lara Ho kung sinu-sino ang mga makakasama ni Sen. Manny sa Freedom Fighters pero tiniyak niyang “global, Hollywood studio-level release” ito.
Ang tanong lang namin, una nang nag-commit si Sen. Pacquiao sa Gen. Miguel Malvar movie kung saan gaganap din siyang bayani ng Batangas, matapos kaya niya agad ang shooting nito bago simulan ang unang Hollywood film na gagawin niya?
At kung tama ang pagkakatanda namin nang makausap namin ang US-based Filipino first time producer na si Mr. Arsy Grindulo Jr. para sa intimate presscon ng movie niyang Ascencion, aniya, hindi basta-basta basehan ang popularidad at estado para makapagbida ang isang Pinoy actor sa Hollywood film dahil kailangan pa rin daw mag-undergo ito sa audition.
Sa kaso ni Sen. Manny Pacquiao, hindi na siya nag-audition dahil handpicked siya ng producer. Pero, iri-require pa kaya siyang mag-undergo sa acting workshop?
Well, let’s see…





Comments