top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sinabihan na mananalo sa lotto, gaganda ang buhay dahil rich ang mapapangasawa

Socrates Magnus
Oct 16, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Janice ng Janice_Maria_Milandra@facebook.com.

Dear Professor, Nakatayo ako malapit sa lotto outlet, tapos, nakita ko kayo na nakaupo sa harap ko, tapos sabi n’yo, “‘Neng, tumayo ka nang ganyan,” at parang tinitingnan n’yo ‘yung pagkakatayo ko. Sinabi n’yo na mananalo ako sa lotto, tapos pinaupo n’yo ako sa tapat at tiningnan ang mga palad ko. Hindi ko alam kung ano ang mga nabasa n’yo, pero pagkatapos nu’n, bigla n’yo akong binigyan ng napakaraming pera, siguro nasa P300-K. Tapos, umuwi na ako at nagdalawang-isip kung ipaaalam ko sa aking asawa ‘yun dahil alam kong kukunin niya ang pera.

Naghihintay, Janice

Sa iyo, Janice, Unang-una, maraming salamat sa iyo dahil matagal ka nang suki ng diyaryo nating BULGAR. Gayundin, salamat dahil kitang-kita sa panaginip mo na kilala mo ako at ang mga kolum ko rito sa BULGAR ay alam na alam mo rin. Ngayong Pasko, makatatanggap ka ng regalo sa akin.

Masasalamin sa panaginip mo na gustung-gusto mong magkaroon ng sariling pera o kabuhayan. Magkakaroon ka kaya? Dahil tiningnan ko ang tindig mo sa panaginip, ikaw mismo ang sumagot sa tanong kung puwede kang manalo sa lotto.

Kapag ang katawan ay napabilang sa Air type, kumbaga, ‘yung katawan ay magaan, sigurado na siya ay padadalhan ng langit ng mga suwerte sa buhay dahil ang pinakasuwerte sa lahat ng tao kung ang pagbabasehan ay figure ng katawan ay ang mga may Air type.

Sila ay pinaniniwalaang may masasarap na buhay dahil kailangan nilang isabuhay ang sinabi ni Napoleon Hill sa kanyang aklat na The Laws of Success na “One must have hardwork.”

Hindi mo kailangan ng hardwork, pero bakit kaya? Ito ay dahil ang mga may Air type ay magkakaroon ng masarap na buhay mula sa kanilang makakarelasyon.

Gusto mo bang tumama sa lotto? ‘Yung magkaroon ng P300-K or more? Gusto mo bang magkaroon ng sariling pera nang hindi malalaman ng iyong asawa? Gusto mo bang magkaroon ng sariling kabuhayan kung saan malaya ka at talagang sa iyo lang?

Ang sagot ay makipagrelasyon ka sa kinikilala mong God. Paano? Sundin mo ang kanyang mga utos, mahalin mo ang kapwa mo, pakainin mo ang nagugutom, painumin mo ang nauuhaw at dalawin mo ang mga balo, ulila at inabandona. Dahil sabi ni God, kapag pinakain mo ang nagugutom, pinainom ang nauuhaw at binigyan ng kumot ang giniginaw, si God mismo ang pinakitaan mo ng maganda.

Sabi ni God, ang kanyang mga minamahal ay makaaasa na dadaloy sa buhay nila ang hindi matapus-tapos na mga biyaya at pagpapala.

Muli, maraming salamat sa pagtangkilik mo sa pahayagang BULGAR. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page