top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 kelot arestado sa shabu

Pabs Hernandez III
Oct 15, 2019
1 min read

Cebu—Dalawang lalaki ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Suba, Danao City.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Rodel Pajares at Vicente Garbo, kapwa residente sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na drug pushers sina Pajares at Garbo kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad dahilan para madakip ang dalawang suspek.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat nina Pajares at Garbo.

Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page