1.5 Milyong retiree pensioners ng SSS, puwede nang umutang nang hanggang P200 thousand!
Bulgarific
Hello, Bulgarians! Magandang balita ang hatid sa atin ng Social Security System (SSS) lalo na sa mga retiree-pensioners nito! Mula noong Agosto 2019, maaari nang mag-loan ang halos 1.5 milyong retiree-pensioners ng P200,000 mula sa mas pinagandang Pension Loan Program (PLP).
Ito ay sa ilalim ng Social Security Commission (SSC) Resolution No. 429-s.2019 na nagbibigay ng tulong-pinansiyal sa lahat ng pensiyunado. Binanggit ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio na bilang parte ng Elderly Filipino Week ay ipinamamalita ng SSS sa mga pensiyunado ang magandang balitang ito para matustusan ang kanilang pangangailangan.
Maaari na silang humiram ng times 12 sa kanilang basic monthly pension plus additional P1,000 benefit! Maaaring magpasa ng application form ang mga pensiyunado sa lahat ng SSS branches, nationwide.
Ang mga qualified mula sa bagong guidelines ng SSS ay ang mga retiree pensioners na may edad 85 pababa at walang existing advance pension sa ilalim ng SSS calamity package. Kinakailangan din na may regular na natatanggap na pension buwan-buwan at active ang status sa pension.
Samantala, ang repayment term nito ay maaaring bayaran at mamili sa loob ng 6, 12 o 24 buwan. Paalala lang din sa lahat ng mga pensiyunado na tumatanggap ang SSS ng iba pang government-issued identification cards bukod sa UMID Card na maaaring ipakita sa pagpapasa ng aplikasyon.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments