Ginastusan daw ng gobyerno, pinalagan na nga ng madlang pipol… Ipe, Cesar atbp. artistang join kay P
- Erlinda Rapadas
- Oct 11, 2019
- 1 min read

Napikon at nag-react na si Robin Padilla at sinagot ang akusasyon ng ilang bashers na pera ng gobyerno ang ginagastos sa mga celebrities na nakakasama sa delegation ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag ito ay bumibiyahe abroad katulad ng recent trip ni P-Duterte sa Russia kung saan nakasama sina Phillip Salvador, Cesar Montano at Moymoy Palaboy.
Bakit daw sumasabit pa ang mga artista sa lakad ni P-Duterte, eh, dagdag-gastos lang sila? Rah-rah Boys daw ni P-Duterte ang mga celebrities na bahagi ng kanyang delegasyon sa Russia.
Pati na ang pagbili ng rubber shoes sa Russia ng mga aktor, eh, bina-bash din ng ilang netizens. Marami naman daw de-kalidad at branded na rubber shoes dito sa ‘Pinas, bakit kailangang sa Russia pa bumili sina Cesar, Phillip, atbp.?
Ang akala kasi ng mga bashers, kumikita nang malaki ang mga celebrities na sumasama sa biyahe ng pangulo kaya sila kinaiinggitan ng marami.
Naghamon tuloy si Mr. Bad Boy ng Philippine Cinema na magpakitaan na lang ng bank book upang hindi naman sila masabing kumikita nang malaki kay P-Duterte.





Comments