Pulang paruparo, sign ng magandang love life at sex life
- Socrates Magnus
- Oct 9, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Cip ng Cip Nep_Emcee@facebook. com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko tungkol sa pulang paruparo? Nasa banyo raw ako, tapos, ayaw kong lumabas dahil natatakot ako na baka magambala ang paruparo. Maraming salamat!
Naghihintay, Cip
Sa iyo Cip, Love is more than love, ito ang ibig sabihin ng red butterfly sa iyong panaginip. Sabi nila, ang love at pleasure ay magkaiba dahil ang pag-ibig ay hindi pagnanasa at ang pagnanasa ay hindi naman pag-ibig.
Pero sa panaginip, ang kaligayahan mula sa pagnanasa ay mapasasaiyo at ang kaligayahan sa pag-ibig ay ganundin. Ngayon, bihira na ang nakararanas ng totoong kaligayahan. May maligaya sa love life kahit kapos sa sex life at meron ding maligaya ang sex life pero malungkot ang love life.
Sa makabagong mundo na ating ginagalawan, ang tunay na love ay tila naglaho na dahil kapag maligaya sa pagnanasa ay solb na. At dahil sobrang bilis ang takbo ng modernong panahon, hindi na angkop sa depinisyon ng true love.
Gayunman, matanong nga natin, ano ang love? Siyempre, maraming sasagot at sure na sure pa na lahat ay may alam sa nasabing tanong, pero maganda siguro kung ang Bible ang sasagot.
Nasusulat, “love is patient”, sa Tagalog, ang pag-ibig ay matiyaga. Tulad ng nasabi na, sobrang bilis ng modernong panahon, ang pagiging matiyaga ay nakalilimutan na rin ng mga tao. Sabi pa, “love is kind” pero ngayon, ang lahat ay nagbabait-baitan lang. “Love does not envy,” pero nakikita natin ang inggit sa isa’t isa.
Sinabi rin na “love does not boast,” pero marami kang makikita na mayayabang. “Love does not dishonor others” pero ang lahat ay nagsisiraan. “Love is nor self-seeking,” wala nang ganito dahil ang lahat ay mapaghanap lalo na sa ngalan ng love. “Love is not easily angered”, pero makikitang ang bibilis magalit kapag nakagawa ng pagkakamali ang karelasyon. “Love keeps no record of wrong,” pero kahit kailan ay hindi nangyayari.
Ang mga nabanggit ay ang mga tunay na susi sa pagkakaroon ng wagas na kaligayahan sa pagmamahalan. Pero sa totoo lang, hindi man lahat ng nasabi tungkol sa love ay magawa natin, may ilan sa mga ito ang taglay ng ilang nagmamahal. Tulad nga ng sinasabi nila na “sana all”.
Muli, sa iyong panaginip, ang tunay na ligaya mula sa pag-ibig ay sa iyo at ang sagad na ligaya mula sa pagnanasa ay sa iyo pa rin.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments