top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ex-love team, gustong makasama uli… Bea, humihirit ng last chance kay John Lloyd

Beth Gelena
Oct 4, 2019
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @beaalonzo

Parehong nag-post sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ng kanilang picture ng ginawang food commercial na magkasama.

Sa posted photos ni Bea ay may teaser na A Last Chance.

Emote to death at with feelings ang caption na inilagay ni Bea: “Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Puwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE?”

Sa IG account naman ni John Lloyd ay makikita ang picture kung saan malungkot siyang nakayuko habang hawak-hawak ang isang kamay ng aktres.

Nakasapo naman sa kanyang noo ang isang kamay ni Bea na nakatingin sa malayo.

Komento ng avid fan ng Bea-JLC, “Jusko, nu’n nakita ko ‘to sa IG ni Bea, sumaya talaga ako. Their love team is the only legit love team na gusto ko. And I love na never naging sila. Nakakatuwa talaga ‘tong sina Popoy at Basha. For me, it’s still the love team to beat.”

“Baka naman all roads lead to John Lloyd and Bea talaga.”

Tunay namang iba ang chemistry ng dalawang ito. Malakas ang dating nila kahit alam ng fans na reel sweethearts lang sila.

Sabagay, iconic talaga ang tambalan nila. Bakit hindi nila gawing pelikula na ang title ay Last Chance? Tutal may One More Chance then A Second Chance, so why not Last Chance naman?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page