Gerald at Ellen, sey n'yo? Bea at John Lloyd, magkasamang nanood ng musical play

Beth Gelena / Bulgary Files

Ang daming netizens ang nanghinayang na hindi nila nakita sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz nang manood ang dalawang celebrities ng musical na Himala: Isang Musikal.
Pero hindi sabay na dumating sina Bea at Lloydie, nagkataon lang daw na parehong date nang manood ang dalawa.
Kaya lang, pansin ng mga nakakita kina Bea at Lloydie, haggard umano ang Kapamilya actress, samantalang good-looking naman daw ang aktor that night.
Sabi naman ng fans ng dalawa, sana ay sila na lang ang magkatuluyan, tutal naman daw ay ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila.
“They are a perennial love team, wish naming in real life ay sila na rin tulad ng KathNiel.”
Panay naman ang emote ng nakapanood na ng musical play, “Nakakainis. Nu’ng 19th ako nanood. Sina Lea Salonga, Jasmine Curtis at Nyoy Volante ang nandu’n.”





Comments