Binreyk ng GF, 22-anyos nagbaril sa sentido patay
Isabela—Isang 22-anyos na binata ang nagbaril sa sarili kamakalawa sa labas ng kanilang bahay sa Bgy. Palattao, Naguilian.
Nakilala ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa sentido na si Joseph Pascua, residente sa naturang barangay.
Ayon sa imbestigasyon, dinamdam ng labis ni Pascua ang pakikipag-break ng kanyang nobya kaya uminom ito ng alak at nang malasing ay umuwi ng kanilang bahay.
Inakala umano ng mga kamag-anak ni Pascua na matutulog na ito, pero bigla itong lumabas ng bahay at saka nagbaril sa sentido.
Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino ang may-ari ng baril na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.





Comments