Relate na relate raw sa eksena… Tuesday, ipinagsigawang single mom na at inabandona ng asawa!
- BULGAR

- Sep 19, 2019
- 3 min read

Meaningful ang pagkapanalo ng komedyanang si Tuesday Vargas ng Best Supporting Actress sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino 3 dahil sa may pagka-true-to-life na character niya sa LSS (Last Song Syndrome) bilang ina ng bida sa movie na si Khalil Ramos.
“Yes, iba po ‘yung challenge nu’ng dramatic scenes namin ni Khalil kasi may true-to-life hugot kasi single mom, tapos abandonada. So, maraming pinanggalingan lahat ng ibinuhos kong luha ru’n sa eksena. Kaya siguro naramdaman din nu’ng mga manonood na hindi na ako nagtago,” pahayag ni Tuesday nu’ng nakausap namin after ng PPP3 Awards Night last Sunday.
Na-curious kami sa sinabi ni Tuesday na ‘abandonada.’ Ibig kayang sabihin nito ay kinu-confirm na niya ang hiwalayan nila ng kanyang mister at gitarista ng bandang Session Road na si Coy Placido?
Huling nabalitang magkasama sina Tuesday at Coy ay sa isang music festival sa Japan nu’ng July, 2018. Pero nagsimulang umugong ang tsismis na hiwalay na sila nitong January lang.
Ikinasal si Tuesday kay Coy sa Discovery Shores sa Boracay nu’ng June 2010. Kabilang sa mga um-attend sa kasal nila ay ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta na mag-bf-gf pa lang noon, John Lapus, Katya Santos, Ricky Rivero, Ogie Alcasid at Regine Velasquez na magkasintahan pa lang din that time.
Before that, anim na taon na silang magkarelasyon. Noon pa man ay sumusubok na raw sila na magka-baby. Hindi namin sure kung nasundan ang panganay ni Tuesday na si Kaya from a previous relationship. Kaya is already 19 years old now.
Kilala sa showbiz si Tuesday bilang komedyana, singer and a theater performer at the same time. Tiniyak ni Tuesday na walang mababago sa uri ng mga pelikulang tatanggapin niya gaya ng dati. Trabaho niya raw ang mag-perform.
“Kung ano po ‘yung dumating, salamat. May offer, thank you. Wala pong magbabago. Pero nagpapasalamat talaga ako sa pagbibigay nu’ng opportunity na gumawa out of my comfort zone. Kasi, bihira ‘yung direktor na lagi akong binibigyan ng role na best friend. Ah, lagi akong sidekick,” lahad pa niya.
Dagdag pa ni Tuesday, “Ngayon, nanay ako na merong marka sa buhay ng anak ko. Na meron akong gustong sabihin sa mga gaya kong nanay. Kaya ang ganda kasi bukod sa maganda ‘yung role, nabigyan ko ng boses ‘yung mga nanay na kagaya ko.”
First Best Supporting Actress lang ni Tuesday ang ibinigay na award sa kanya ng Film Development Council of the Philippines headed by Chair Liza Diño para sa 2019 PPP sa loob ng almost 16 years niya sa showbiz.
Kaya naman very meaningful para sa kanya ang pagkapanalo lalo pa’t isa ang international award-winning actress na si Jaclyn Jose sa mahihigpit niyang nakalaban.
“Pero nu’ng tinawag po ang pangalan ko, sobrang… ang bait talaga ni Lord. Ang bait ni Lord, hindi Niya ibinigay sa akin ‘yung award nu’ng bata pa ako sa showbiz,” sabay ngiti niya.
Samantala, kudos sa buong team ng FDCP na bumuo ng PPP 3 Awards Night. After three years, na-perfect na nila ang tamang timpla para sa pinakatamang panlasa sa pag-oorganisa ng isang awards night.
From the concept na Filipiniana, super talented Pinoy artists na nag-perform, hanggang sa pagkain na umaapaw at delicacies from the different regions ng Pilipinas, mapa-proud ka bilang Pinoy.
Natuwa rin ang members of the entertainment press and bloggers for the best seats na inilaan sa kanila. Mala-Golden Globe rin ang kinalalagyan ng tables para sa stars and production na allotted sa sampung official entries sa PPP 3.
Indeed, ang ginanap na 2019 PPP Awards Night ang pinakamaganda, pinakamaayos, pinaka-may katuturang local awards night na nasaksihan namin.
Congrats, Chair Liza, Direk Ice Seguerra and FDCP!





Comments