Natauhan… Angel, umamin kung bakit natigil ang paghahanda sa kasal nila ni Neil
- BULGAR

- Sep 19, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Nagbahagi ng kaunting update si Angel Locsin hinggil sa nalalapit niyang kasal kay Neil Arce.
Ayon sa The General’s Daughter lead actress, halos nasa finishing touches na ang lahat. Pero, pansamantala raw nilang itinigil ang preparation.
Ani Angel sa kanyang IG account, “Nag-stop muna kami kasi masyado yata kaming advanced. Sabi ng wedding planner namin, kami lang daw ‘yung ganito kabilis kumilos. Siguro, alam lang namin kung ano ang gusto namin.
“Relax lang muna. Maybe after The General’s Daughter, mas matututukan ko pa siya. Pero sa ngayon, wala pang changes sa mga ideas,” dugtong pa ni Angel.
Sa isang panayam, natanong ang Kapamilya actress kung sa Pilipinas daw mangyayari ang kasalan.
Sagot niya, “Honestly, hindi namin masabi, malalaman n’yo na lang siguro.”
Sa ngayon ay naka-focus ang attention ni Angel sa finale ng The General’s Daughter.
Ayon sa teaser na ipinakikita sa TV ay tatlong linggo na lang ang primetime serye.





Comments