Bidding, nasa P20 K at P50 K… Juday, ibinebenta ang 2 gowns sa ABS-CBN Ball para sa bantay bata

Nitz Miralles / Bida

Para mas makatulong sa Bantay Bata, ipina-auction ni Judy Ann Santos ang black gown na isinuot sa nakaraang ABS-CBN Ball na gawa ni Yong Davalos. Kasamang ipina-auction ni Juday ang emerald green gown na isinuot niya noong ABS-CBN Ball 2018 na gawa ni Oscar De La Renta.
Nasa Instagram (IG) ang announcement na ‘yung black gown na suot ni Judy Ann sa ABS-CBN Ball this year, ang starting bidding ay P20,000 at ang gown na suot niya last year, ang starting bidding ay P50,000.
May paalala si Judy Ann na “All bids should be sent via Direct Message on @officialjudayph and FB Page. Bidding closes on Thursday September 19, 7 pm, Manila time.”





Comments