top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

5 yrs. nang BF-GF at magpapakasal na lang, girl, bigla pang humirit ng space

ROMA AMOR
Sep 18, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Kiko, 25-anyos. Sumulat ako sa inyo dahil hindi ko maintindihan ang GF ko. Sa pagkakaalala ko, okay at masayang-masaya naman kami tuwing magkasama, pero kamakailan lang ay gusto raw niya ng space. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari lalo na at limang taon na kaming magkarelasyon, pero, bakit ngayon pa siya humihingi ng space, gayung balak ko na siyang pakasalan? Roma, ano ang dapat kong gawin? – Kiko

Kiko, Kung sa tingin mo ay bigla siyang nagbago, walang pinakamagandang gawin kundi mag-usap kayo nang masinsinan at alamin mo sa kanya ang dahilan kaya humihingi siya ng space. Siguro, kaya kailangan ng GF mo ng space ay dahil kailangan niyang makapag-isip-isip. Alam nating hindi basta-basta ang pagpapakasal dahil ‘ika nga nila, hindi ‘yun pagsubo ng mainit na kanin na iluluwa mo lang kapag napaso ka. Maaaring hindi pa siya handa sa malaking obligasyon ng pag-aasawa. Gayundin, hindi ka dapat mabahala dahil siguradong ang space na hinihingi niya ay hindi nangangahulugang makikipaghiwalay siya dahil siguradong ngayon, kailangan niya ng peace of mind. Bigyan mo muna siya ng time at intindihin dahil baka nasasakal na siya. At kapag handa na siya, muli kayong mag-usap. Kaya mo‘yan. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page