Bimby, botong-boto naman… Willie, niyaya si Kris na sabay silang matulog
- BULGAR

- Sep 11, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @krisaquino
KAYA naman pala may post si Kris Aquino ng picture nila ni Willie Revillame at ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby ay dahil naimbitahan sila ng Wowowin host sa ibinigay nitong party na ginanap sa Wil Tower kamakailan.
Sa social media ng Queen of All Media ay ibinahagi niya ang mga naging kaganapan sa nasabing party.
Bago nag-umpisa ang party ay nilibot muna ng mag-iina ang Wil Tower. Isa sa mga hinangaan nang husto ni Kris ay ang napakagarang rooftop at helipad ni Willie.
Enjoy na enjoy ang mag-iina habang nililibot ang kabuuan ng Wil Tower. Napabilib si Krissy dahil sa husay ng arkitekto at disenyo ng Wil Tower.
Sa party, nagpakitang-gilas si Josh ng talent niya sa pagpipiyano. Pagkatapos ay kumanta si Willie ng Para Sa Akin Ay Ikaw.
Habang kumakanta si Willie, sinasabayan siyang umawit ni Josh. In fairness, saulado ni Josh ang kanta kaya tuwang-tuwa si Kris habang pinapanood ang anak.
After the song, parang isang pamilya ang apat na nag-group hug.
Muling nag-request si Josh na kantahin ni Willie ang Para Sa ‘Yo pero umapela ang TV host-actress na Ikaw Na Nga ang kantahin.
Inawit ni Kuya Wil ang Ikaw Na Nga at nagbiro si Kris na may theme song na raw sila.
Nagbiro rin ang Wowowin host na ‘puwede na raw silang matulog na dalawa.’
Ani Kris, very conservative si Bimby at may kontrata raw silang dalawa.
Sagot ni Bimb, “I give you the blessing” na ikinatuwa ng lahat ng nandu’n sa party.
Sa title nga ng vlog ni Krissy, mababasa ang “Kuya Josh & Bimb – boto kay Tito Willie.”
Well, what if nga na sina Willie at Kris ang magkatuluyan? Wala namang masama dahil parehong loveless ang dalawa.
Hindi na rin mahihirapang mag-adjust si Kuya Wil dahil magkasundo naman sila ni Kris noong nasa Kapamilya Network pa sila.
At wala ring ipag-aalala ang Queen of All Media lalo na sa kanyang anak na si Josh, dahil nakikita niya kung gaano napapasaya ng Wowowin host ang anak niya.





Comments