top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Babaeng napigtasan ng tsinelas, mas susuwertehin kapag matandang lalaki ang naging BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ailyn ng Ailyn_Dream_Girl@face­-book.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng aking panaginip, na­pigtas ‘yung isa kong tsinelas, tapos ‘yung isa ay nawala?

May matandang la­laki na nag-ayos ng tsi­nelas ko, pero napigtas pa rin.

Tapos, nagpabili raw ako ng bago at binilhan naman ako nu‘ng ma­­tan­dang lalaki.

Kulay blue ‘yung isang tsinelas tapos ‘yung ka­sama nu’n ay hindi ko alam kung para kanino pero, panglalaki ‘yun at kulay pula.

Naghihintay,

Ailyn

Sa iyo, Ailyn,

Sabi ng panaginip mo, may magkakagusto sa iyo na matandang lalaki na kapitbahay o ka-barangay mo.

Gayundin, gagawan ka niya ng maganda at tutu­lungan ka niyang lutasin ang ilang problema mo sa buhay at tutulungan ka ring matupad ang iyong mun­ting pangarap.

Ang munting pangarap mo ay dati mo nang pa­ngarap, kumbaga, matagal mo nang gusto.

Pahahalagahan mo ang kanyang efforts kahit ang simpleng pangarap mo ay biglang magbabago ang iyong gusto.

Papalitan mo ito ng ba­gong pangarap at muli kang tutulungan ng ma­tandang lalaki at sa pag­kakataong ito ay gaganda na ang buhay mo, susu­wer­tehin ka na at mag­tutuluy-tuloy ang pagsulong ng buhay mo.

Akala ng iba, ang pag­kakaroon ng karelasyon sa matanda ay hindi ma­ganda pero ibinabalita ko sa iyo na sa kasalukuyang tak­bo ng modernong pa­nahon, ang pakikipag­re­lasyon sa matanda ay ka­tanggap-tanggap na.

Bakit kaya? Dahil ayon sa mga huling datos, ang pakikipagrelasyon sa bata o mas bata ay nauuwi lang sa hiwalayan at nag­dudulot ng sobra-sobrang sakit sa ulo, kaya sa huli, sa­sabihin ng iba na “wa­lang forever”.

Pero kapag ma­tan­da ang nakarelasyon, mas masaya, mali­gaya at mas pang­matagalan, as in, for life na talaga.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page