Pugante, timbog sa hideout
PANGASINAN — Naaresto ng pulisya ang pugante na may kasong rape kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Pita, Infanta.
Nakilala ang pugante na si Medy Laudencia, residente ng Bgy. Suyo, Dingras, Ilocos Norte.
Nabatid na nakatakas si Laudencia sa kanyang piitan noong Agosto 31, 2019 at dahil dito, nagpalabas ng manhunt operation ang pulisya hanggang sa madakip siya sa kanyang hideout sa Pangasinan.
Kusa namang sumama naman sa mga awtoridad si Laudencia nang dakpin sa nasabing lugar.





Comments