top of page

Nabasagan ng ngipin, tatraydurin at sisiraan ng akalang kaibigan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Janice ng Janice_ Janice@ face-book.com.

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na na­basag ‘yung isang ngipin ko sa harapan, pero hindi naman natanggal? Na-bother ako kasi sabi nila, kapag natatanggal ang ngipin sa panaginip, may mamamatay. Totoo kaya ito?

Naghihintay,

Janice

Sa iyo, Janice,

Minsan lang, as in nag­ka­taon lang na may nanagi­nip na nalagasan ng ngipin at may namatay na mahal sa buhay.

Kadalasan, ang nalagas, nasira o nabasag na ngipin ay nagsasabing, may maninira sa nanaginip, as in, ang layu­nin ng maninira ay ang pu­mangit sa ibang tao ang ima­he ng nanaginip.

Ito ay dahil ang ngipin ay simbolo ng kagandahan. Kaya nga sa mga beauty pa­geant, nananalo ang mga may magagandang ngipin.

Sa panaginip na nasira ang iyong ngipin, ibig sabihin, ikaw ay sisiraan para puma­ngit ang imahe mo sa tao.

Kaya mag-ingat ka sa mga nakasasalamuha mo, ga­yun­din sa mga akala mong na­kikinig sa iyo pero ang layu­nin ay ang makahanap ng ka­siraan at kapintasan mo para ga­mitin sa paninira sa iyo.

Mag-ingat ka rin sa mga kaibigan mo dahil may mga kaibigan na ang gusto ay siya lang ang number one o mas angat. Kapag may banta sa kanyang pagiging number one ay agad niyang sisiraan para manatili siya sa kanyang kasikatan. Higit sa lahat, i­ngatan mo ang iyong sarili da­hil may mga pagkakataon na ang tao mismo ang naka­gagawa ng bagay na ikasisira niya sa mata ng publiko.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page