top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Pinapangit sa panaginip, kinaiinggitan sa tunay na buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip no Lhiza ng Lhiza_ Amparo@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako nu’ng madaling-araw na parang may naglalaro sa akin at hindi ko na raw masuot ‘yung pustiso ko, tapos, parang pinapangit ‘yung mukha ko.

Naghihintay,

Lhiza

Sa iyo Lhiza,

Malinaw na malinaw na sa tunay na buhay ay may nai­inggit sa iyo, partikular sa ganda mo. Sa halip na mag-alala ka, dapat lihim kang matuwa dahil ang iyong panaginip ang nagsasabing, ikaw ay maganda at mas maganda kaysa sa mga naiinggit sa iyo.

Narito ang ilang rekomendasyon para ma-maintain mo ang iyong kagandahan:

1. Huwag na huwag kang magagalit o maiinis sa mga inggit na inggit sa iyo dahil ang galit at inis ay nakapapangit.

2. Tumulong ka sa mga kapwa mo, lalo na sa mga kapus-palad. Ang mga ngiti nila ay maitatanim sa iyong malalim na kamalayan at ito ay magsisilbing malakas na puwersa na lalong magpapaganda sa iyo.

3. Pakitaan mo ng mabuti ang matatanda, lalo na ang mga hindi mo kakilala. Hindi mo man marinig, tiyak ang sa­­sa­bihin nila, “pagpalain ka ng Diyos!” Bukod sa pag­papalain ka ng langit, ikaw ay mas pagagandahin pa.

4. Mahalin mo ang sarili mo at huwag kang gumaya sa iba na mas mahal nila ang ibang tao, karelasyon at iba pa. Ang mga taong ganito ang isinasabuhay ay makikitang pa­pangit nang papangit hanggang sa huli ay iiwan ng minahal nila higit sa kanilang sarili. Pero, kapag mahal mo ang iyong sarili, kahit ayaw sa iyo ng nagugustuhan mo ngayon, siya ay tiyak na maghahabol.

Ilan lang ang mga ito pero, ginagarantiyahan na ma­na­natili kang maganda.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page