2 wanted na tulak, timbog
PAMPANGA—Naaresto ng pulisya ang dalawang wanted na drug pushers kamakalawa sa Angeles City.
Kinilala ang mga suspek na sina Oscar Ocampo at Daniel Manalastas, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang dalawang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi naman nanlaban sina Ocampo at Manalastas nang arestuhin ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments