PAGCOR: POGO, stop muna!
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Inanunsiyo kamakailan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Andrea D. Domingo ang pansamantalang pagpapatigil sa issuance of licenses ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa isinagawang press conference noong August 19, 2019 sa National Press Club ay sinabi na ire-review at imo-monitor ang mga existing contract ng POGO para maayos ang security at legality ng operation. Ito ay hanggang sa matapos ang 2019.
“Nagsimula ang pagpapatigil na ito three weeks ago, dahil sa miscommunication tungkol sa POGO at POGO hubs. Mayroon ding concern sa social cause, security problems, legitimacy of the operation at iba pa. Kaya naman minabuting ipatigil ito pansamantala para maayos ang lahat ng isyu,” bahagi ni Domingo.
Sa ngayon, mayroong 58 POGO licensed operators sa bansa at may halos 130,000 empleyado at may tatlo pang pending for approval.
Dagdag pa ni Domingo, hindi muna sila tatanggap ng applications para matutukan ang 61 operators. Kailangan munang masolusyunan ang mga problemang kinahaharap ng POGO bago tumanggap muli ng aplikasyon.
Kaya naman, pinaaalalahanan ni Domingo ang mga operators na mag-report sa mga isyu sa mga empleyado nito. Ang lahat ng POGO workers ay inisyuhan ng Gaming employment license (GEL) para sila ay maipasailalim sa jurisdiction ng PAGCOR.
Nakipagtulungan na rin ang PAGCOR sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Anti Cybercrime Group para masigurado ang legal na operasyon ng POGO. Sa tulong din nila ay maipasasara agad ang sinumang makita nilang nag-o-operate nang iligal.
Ibinahagi rin ni Domingo na bago pa siya umupo bilang chief ng PAGCOR ay marami nang iligal na nag-o-operate sa buong bansa at kabilang ang 80,000 katao.
Sa loob ng 2016 hanggang 2018, nag-remit na ang POGO ng Php12 bilyon sa national government at ngayong taon, ini-expect na tataas pa ito ng halos P8 bilyon sa loob lamang ng tatlong taon.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments