KELOT TIKLO SA MARIJUANA
Pabs Hernandez III
Aug 25, 2019
1 min read
BENGUET—Inaresto ng pulisya ang isang lalaki nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Paoay, Atok.
Ang suspek ay nakilalang si Jonathan Esteron, nakatira sa Bgy. Tibag, Tarlac City.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Esteron na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments