'Di siya maga-glad niyan… AKTRES-SINGER NA PINIPIRATA NG NETWORK, INAAYAWAN NAMAN NG TV PRODUCER
- Nitz Miralles
- Aug 24, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
Ayaw bigyan ng chance ng isang TV producer ang magaling na aktres na ino-offer-an ng show ng TV network at pinalilipat sa kanila.
Bukod kasi sa teleserye na offer sa aktres, pinangakuan din siya ng twice a month guesting sa musical show ng network. Magandang pang-come-on ito sa aktres na isa ring musician at may venue na siya to perform.
Sa network niya ngayon, hindi madalas mag-guest ang aktres sa musical show ng istasyon at nagpo-promote lang siya ng kanyang teleserye.
Tingnan natin kung tatanggapin ng aktres ang offer sa kanya ng network dahil hindi lang siya aarte, kakanta at magpe-perform din.
Walang isyu sakaling iwan ng aktres ang network na matagal niyang pinagtrabahuhan para lumipat sa kabilang network dahil tapos na ang kontrata niya sa kanyang home network.





Comments