top of page

Panaginip na buntis at lumipad abroad magandang kapalaran ang kahulugan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jheralyn ng Jheralyn_Dulay@face-book.com

Dear Professor, Napanaginipan ko ‘yung asawa ko na buntis at ako ay buntis din. Tapos, nanaginip din ako na nasa ibang bansa at lumipad ako para makarating sa lugar na ‘yun. Ano ang ibig sabihin nito? Naghihintay, Jheralyn

Sa iyo Jheralyn,

Madalas ay ibinabahagi natin na hindi agad mabubuntis ang nanaginip na siya ay buntis dahil tulad ng nasabi na, hindi lamang sanggol ang ipinagbubuntis kundi ang mga nakatakdang kapalaran ay sinasabi ring isisilang, iluluwal at ipapanganak.

Kaya ayon sa panaginip, ang nakatakdang kapalaran para sa iyo ng asawa mo ay ipapanganak na dahil napanaginipan mong ikaw at ang asawa mo ay buntis.

Pangkaraniwan ang mga takdang kapalaran ay magagandang kapalaran dahil ang kagustuhan ni God ay mabuti at maganda sa tao.

Hindi nagtatakda si God ng masasamang bagay dahil Siya ay hindi Diyos ng kasamaan at ‘yan ang huwag na huwag mong kalilimutan.

Dahil ang nakatakda ay hindi puwedeng hindi maganap, inaasahan na ang iyong marriage life ay magkakaroon ng kasaganahan.

Ang panaginip mo na nasa abroad ka dahil lumipad ka ay nagsasabing, huwag kang magmadali at mainip. Hayaan mong ang kapalaran mo ay kumilos para makapag-abroad ka.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page