Lasing na magsasaka, dedo sa bus
AGUSAN DEL SUR—Patay ang magsasaka nang aksidenteng masagasaan ng pampasaherong bus kamakalawa sa Bgy. Tagcatong, Carmen.
Kinilala ang biktima na si Charito Fortallo, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dahil sa labis na kalasingan ay bigla umanong humiga sa kalsada si Fortallo kaya aksidente itong nasagasaan ng bus na minamaneho ni Gilberto Galo, residente ng Butuan City.
Kusang sumuko naman sa mga awtoridad si Galo na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments