top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sen. Imee sa mga broadsheets at news programs: wikang Filipino, gamitin kahit isang araw lang!

  • Thea Janica Teh
  • Aug 15, 2019
  • 1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Nakiusap si Senator Imee Marcos sa lahat ng broadsheet newspaper na gamitin ang wikang Filipino kahit isang araw lang at maglaan ng isang pahina para sa iba’t ibang artikulo bilang paggunita ngayong Buwan ng Wika.

Ayon kay Sen. Imee, hindi naman kalabisan ang makiusap sa mga pahayagang Ingles na maglaan ng isang pahina para sa mga artikulo na ang gagamitin ay ang wikang Filipino.

“Isang beses lang naman ito ngayong buwan ng Agosto at isang pahina lang din para sa mga artikulong susulatin sa wikang Filipino. Sana, mapagbigyan ang pakiusap natin lalo na ngayong ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika,” pakiusap ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, mahalagang maihatid sa mamamayan ang kahalagahan ng wikang Filipino dahil ito ang nagbibigkis sa atin, lalo na sa panahong maraming pagsubok na pinagdaraanan ang kasalukuyang pamahalaan.

Kasabay nito, nanawagan din ang senadora sa mga Ingles na news channels na maglaan ng isang araw para sa paggamit ng wikang Filipino sa kanilang news program bilang pagbibigay-halaga sa wikang Filipino.

Nagpasalamat din si Sen. Imee sa lahat ng tabloid na patuloy na nagpapalaganap ng ating sariling wika at patuloy sa pagpapahayag ng mga balita sa wikang Filipino.

“Bow tayo sa mga tabloid! Isa sila sa mga tunay na nagpapalaganap ng ating sariling wika. Kahit sabihin pang patuloy ang paglakas ng online at social media ay naririyan pa rin sila at makikita mo sa mga newsstand,” paliwanag ni Sen. Imee.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page