Human trafficker nasakote
- Pabs Hernandez III
- Aug 15, 2019
- 1 min read
OLONGAPO CITY—Isang wanted na human trafficker ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sta. Rita.
Ang suspek ay kinilalang si Edilyn Peña, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Peña sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 18 counts ng kasong qualified trafficking in persons.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Peña nang dakpin ito sa nasabing lugar.





Comments