Kaya raw todo-kampi sa nang-ahas kay Bea… SIGAW NG MADLANG PIPOL: KRIS AT JULIA, PAREHONG MANG-AAGAW
- BULGAR

- Aug 11, 2019
- 2 min read

TAGUMPAY na naman si Kris Aquino sa early promo ng kanyang MMFF horror movie na K(Ampon) dahil muli siyang nakakuha ng libreng publicity at exposure sa pakikisawsaw sa issue nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto.
Nag-post si Kris sa kanyang socmed account ng opinyon niya tungkol sa nangyayaring love triangle ngayon sa tatlong Kapamilya stars kung saan ipinagtanggol nga ng TV host si Julia at idiniin naman si Gerald na siyang may kasalanan sa ‘pang-iiwan’ kay Bea sa ere.
At dahil isinawsaw na nga ni Kris ang sarili niya, siya tuloy ang pinagbalingan ng ilang netizens na nagagalit kay Julia dahil sa paniniwalang inahas ng young actress si Gerald kay Bea.
May netizen na nagsabing, “No wonder, Kris, birds of the same feather flock together,” kaugnay ng pagtatanggol niya kay Julia.
Nabuhay tuloy ang ‘past’ ni Kris kung saan binanggit ng ilan ang pagpatol at pang-aagaw diumano niya kina Alvin Patrimonio, Phillip Salvador at Joey Marquez sa kani-kanyang karelasyon ng tatlo noon.
Sabi naman ng isang kausap namin, “Ayan, ang hilig makisawsaw ni Kris, pati tuloy ang pagiging kabit niya noon, ibinabalik sa kanya ngayon.”
May nag-iisip namang kaya kinakampihan ni Kris si Julia ay para inisin ang tita nitong si Gretchen Barretto na ‘kaaway’ niya.
Matatandaang unang nagpahayag si Gretchen ng suporta kay Bea kasabay ng panlalaglag nito sa pamangking si Julia nang sabihin ng una na nag-hire ng ‘crisis manager’ ang anak ni Marjorie Barretto para sumulat ng statement nito against Gerald’s ex-GF.
Sabi pa ng ilang enjoy na enjoy din sa pakikisawsaw sa controversial love triangle na ito, nasaan naman kaya si Megastar Sharon Cuneta? Bakit daw walang naririnig na suporta mula rito para sa kanyang ‘anak-anakang’ si Julia?
Nagkasama sa Unexpectedly Yours sina Mega at Julia at naging close nga sila. Pero mula nang mag-break sina Julia at Joshua Garcia, walang narinig na anything mula kay Sharon, hanggang ngayong nasa ‘hot water’ at dinudurog na ang young actress, hindi nakisawsaw ang Megastar para ipagtanggol si Julia.
Malamang, ayaw madamay ni Ate Shawie at wiz niya rin feel mag-ingay ngayon. Hehe!





Comments