Nakipagkita para ibalik ang ninakaw, nakatunog | parak, pinagsasaksak ng 2
ARESTADO ang dalawang American citizens matapos masawi ang pulis sa pananaksak sa Rome, Italy.
Kinilala ang biktimang si Mario Cerciello Rega, 35, miyembro ng Carabinieri Police Force.
Napag-alaman na kasama ng biktima ang isa pang pulis nang komprontahin ang dalawang hinihinalang magnanakaw sa Prati District.
Pinaniniwalaang sangkot ang isang grupo ng kalalakihan sa pagnanakaw at nag-alok ang mga ito na makipagkita sa biktima para ibalik ang bag kapalit ng 100 euros.
Nang malamang pulis ang nakipagkita, naglabas ng kutsilyo ang isa sa mga lalaki at pinagsasaksak si Cerciello Rega saka umalis.





Comments