Ex ng aktor, 'di raw nagsisisi… MAJA, NAGSALITA NA SA BEA-GERALD-JULIA ISSUE


OPEN book at alam ng lahat na nagkaroon din ng relasyon noon ang bida ng The Killer Bride na si Maja Salvador sa man of the hour na si Gerald Anderson matapos kumalat ang picture na magkasama ang aktor at si Julia Barretto sa birthday ni Rayver Cruz, na ni-like ni Bea Alonzo.
Kaya naman, hindi maiwasang matanong din si Maja kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kanyang ex-BF na si Gerald.
Ngunit sa isang panayam, tumanggi si Maja na magbigay pa ng reaksiyon.
“Ayoko nang sumali. Masaya ako. Ayoko sumali, ayokong sumagot. Sa akin, kung puwede lang, wala na ako diyan,” sabi ni Maja sa panayam sa kanya after ng presscon ng The Killer Bride, ang bago niyang serye sa ABS-CBN.
“Hayaan natin silang lahat mag-heal, dahil hindi madali ang may mga pinagdaraanan,” hiling pa ni Maja bilang respeto na rin daw kina Bea, Gerald at Julia.
“Huwag na tayong sumabay, huwag na nating gatungan, kasi at the end of the day, lahat tayo, tao, nasasaktan, at marami tayong mga bagay na mas kailangan pang asikasuhin na mas importante,” dagdag pa ng aktres.
Bagama’t muling naungkat ang naging relasyon nila ni Gerald dahil sa nangyari ngayong diumano’y pagtu-two-time ng aktor kina Bea at Julia, kung saan kasama ang piktyur ni Maja sa lumabas na meme ng mga shampoo beauties na pare-parehong naging GF o na-link kay Gerald, ayon kay Maja ay wala naman siyang regrets sa naging pagmamahalan nila ng ex-BF.
“Akin kasi, kung minahal mo naman ‘yung tao, paano siya magiging pagkakamali, eh, choice mo rin naman ‘yun? May natutunan naman,” katwiran pa ni Maja.





Comments