top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Yamaha, 64 years na nating kasama

  • Thea Janica Teh
  • Jul 27, 2019
  • 1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay nagdiwang ang Yamaha Motor ng kanilang ika-64 anibersaryo at bilang pagdiriwang ay gumawa ang mga employee nito ng Yamaha Day Cupcake Mosaic na ginanap sa Batangas City.

Nagsama-sama ang 64 Yamaha Club Riders mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para makisa­ya at ipagdiwang ang anibersaryo ng no. 1 motorcycle company sa ban­sa. Halos 6,400 pieces ng cupcakes ang bumuo sa napakalaking mosaic ng global logo ng Yamaha.

Nandito rin at naki­sa­ya ang mga Yamaha dealer, government official at media partner. Ipinakita sa kanila ang facility kung saan ginagawa ang mga makina na Global Standard of Kando.

Bukod pa rito, ipina­kita rin ang brand new distribution center nito na 20,000 sqm. of floor space na kayang maglagay ng halos 10,000 units. Dahil sa patuloy na pag-expand ng workplace ng mga em­ple­yado, rito rin nabubuo ang kanilang passion at unforgettable memories tulad na lamang ng selebrasyong ito.

Nakisaya ang face of Yamaha Mio Aerox155 na si Matteo Guidicelli at hinarana ang mga rider sa kanyang sariling rendition ng What’s Up by 4 non blondes. Nandito rin sina Maureen Wroble­witz, TJ Monterde na kumanta ng “Karera” na bagay na bagay sa tema ng kanilang selebrasyon at tinapos ang gabi sa rakrakan kasama ang Sponge Cola.

Isa lamang ang Yamaha Day sa pinaka-unforgettable moments ng mga rider kasama ang Yamaha na tiyak na tatatak sa kanilang puso.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page