top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Namatay na ang isa, delikado pa si kuya... mag-utol na edad 10 at 13, parehong naturukan ng dengvaxi

  • Daing Mula sa Hukay
  • Jul 26, 2019
  • 6 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

SADYANG napaka­laki ng puso ng ina, kaya nitong makayanan ang halos lahat ng sakit. Ngu­nit, may mga pagkakata­ong hindi niya nakaka­ya­nan ang mga sugat sa kan­yang dibdib dahil hin­di man lang nabibigyan ng sapat na panahon upang ang mga ito ay mapaghi­lom.

Ganito ang sitwasyon ni Junalyn Paredes, ina nina Dar­wen Racal at Dave Pare­des. Pumanaw ang kanyang anak na si Darwen noong 2017. Hindi pa man nabibig­yan ng linaw at katarungan ang pagkamatay nito, labis na ang pangamba ni Junalyn sa kalbaryong posibleng ta­hakin niyang muli dahil nag­sisimula na niyang maki­taan si Dave ng mga sintomas na noon ay naobserbahan na niya sa yumaong si Darwen.

Si Darwen ay ang pang-isandaan at apatnapu’t isa (141) sa mga naturukan ng Dengvaxia, nakaranas ng sintomas at common pattern of 4 serious adverse effects (anaphylactic allergic reac­tion, viscerotropism, neuro­tro­pism & increase in seve­rity of dengue disease) na con­sistent sa Sanofi declara­tion of 4 identified and expec­ted risks in its submission for authorization sa Food and Drug Administration (FDA) noong Disyembre 22, 2015 at namatay na sumailalim sa forensic examination ng Public Attorney’s Office (PAO) Forensic Team pag­katapos hilingin ng pamilya ang serbisyo ng grupo para sa pumanaw na biktima. Bi­ni­bigyan din sila ng kailangan nilang libreng serbisyo-legal ng PAO sa pangunguna ng inyong lingkod bilang ang­kop na aksiyon sa idinudulog nilang kahilingan.

Ang labindalawang (12) taong gulang na si Darwen ay namatay noong Agosto 19, 2017 sa ospital sa Cebu. Siya ay naturukan ng Deng­vaxia sa kanyang eskuwela­han sa Cebu noong Hunyo 2017.

Sa mga unang linggo nito, palagi nang may lagnat at masakit ang ulo at ngipin ni Dar­­wen. Siya ay pinainom ng gamot noon para guma­ling.

Noong mga panahong ‘yun, si Darwen ay naospital din. Noong Hulyo 12, 2017 ay nagdurugo ang kanyang gilagid, siya rin ay balisa at parang nababaliw. Nagrekla­mo siya ng pananakit ng ulo. Siya ay may lagnat at nagsu­suka ng kulay brown.

Ipinaalam ng doktor sa kanyang ina na maaaring den­gue ang sakit ni Darwen at kailangan nitong masalinan ng dugo kung saan pumayag naman ito. Nang sumunod na araw, sinabi ng doktor sa ina ni Darwen na “leu­ke­mia” raw ang sakit nito at kailangang kunan ng fluid sa bone mar­row para makasigura­do. Pero, hindi ito natu­loy dahil mahinang-ma­hina ang katawan ni Darwen noon.

Noong Agosto 6, 2017 dahil sa kahili­ngan ni Darwen na lumabas ng ospital ay pumirma ang kanyang ina ng “waiver” para mailabas siya. May mga gamot na ibinilin sa kanyang ina ang doktor na kailangan niyang inumin kapag siya ay nilalagnat at nagsusuka.

Nang sumunod na mga araw, nasa bahay na siya, na­pansin ng kanyang ina na hu­mihina na ang katawan ni Dar­wen at nangingitim ang kanyang mga kuko. Palagi rin niyang inirereklamo noon ang pananakit ng kanyang dibdib at tiyan. Pero, ayon sa kan­yang ina, ang pinakagrabe ni­yang reklamo ay ang panana­kit ng kanyang ulo na para itong binibiyak sa sakit. Pa­lagi rin niyang sinasabing na­sisilaw siya sa ilaw at napan­sin ng kanyang ina na nama­maga ang kanyang kanang mata.

Nang mapansin ni Juna­lyn na lumalala ang kalaga­yan ni Darwen dahil hindi na siya makapagsalita, mahi­nang-mahina ang katawan at hindi na makatayo, nagde­sisyon siyang ibalik si Dar­wen sa ospital noong Agosto 17, 2017.

Pagdating nila sa emer­gency room ay kaagad nilag­yan si Darwen ng suwero at oxygen dahil hindi na siya makahinga. Sinabihan si Ju­nalyn ng doktor na malala na ang kondisyon ng anak at baka hindi na siya maka-recover. Pero, humiling pa rin ang doktor na masalinan si Darwen ng white at red blood cells kaya bumili si Ju­nalyn ng tiglimang (5) bags ng white at red blood cells. Pagkaraan ng dalawang (2) araw, lalong lumubha ang kondisyon ni Darwen. Na­kasaad sa sumusunod na ba­hagi ng salaysay ni Junalyn ang huling mga sandali ng mahal niyang anak:

“Noong umaga ng ika-19 ng August 2017, napansin ko na ang dugong isinasalin sa aking anak ay hindi na tinatanggap ng kanyang katawan. Napansin ko na bumabalik na sa bag ang dugo na dapat ay naisasalin sa kanya at nagkakaroon na ng space sa hose na dapat ay dumadaloy ang dugo. Ipinatawag ko ang doktor at ito ay tinanggal dahil sabi ng doktor hindi na kaya ng kanyang mga ugat na tu­manggap ng dugo.

“Pagkatapos ng isang oras ay may lumabas na dugo sa bibig ng aking anak kasabay ng reklamo niya nang matinding pananakit ng ulo. Minasahe ko ang ulo ng aking anak at napansin ko na may lumabas ding dugo sa kanyang ulo. Nang panahon na ‘yun ay hirap na siyang huminga at kapag humihinga siya ay may lu­malabas na dugo sa kan­yang bibig.”

“Bago mag-alas-dos (2:00) ng hapon ng araw na ‘yun, napansin ko na hin­di na kumikilos ang anak ko. Pinipilit ko siyang gisingin, pero hindi na siya gumising. Tinanong ako ng doktor kung gusto kong ipa-revive ang aking anak, pero tina­nong ko muna sa kanya kung mabubuhay pa ba siya kung ire-revive. Nang sabi­hin niya na hindi na rin siya ma­bubuhay ay hindi na ako pu­mayag na i-revive si Dar­wen dahil ayaw ko na siyang lalo pang mahirapan. Idinek­la­rang pumanaw si Darwen alas-dos (2:00) ng hapon ng ika-19 ng Agosto 2017.”

Ang pagkamatay ni Dar­wen ay nag-iwan ng pala­isi­pan kay Junalyn na nanga­ngailangan ng paliwanag at kasagutan. Aniya, sa bahagi ng kanyang salaysay hinggil dito:

“Noong hindi pa natu­turukan ng Dengvaxia si Darwen sa sinasabi nilang bakuna kontra dengue ay ma­likot siyang bata. Siya ay malusog at maliksing kumi­los. Palagi siyang nananalo sa mga paligsahan sa pag­tak­bo sa kanyang eskuwe­lahan. Wala siyang naging sakit at hindi kailanman nag­karoon ng karamda­man na may kinalaman sa sinasabi nilang sanhi ng kan­yang pagkama­tay.”

“Ang hindi ko maintindi­han ay kung papaano siya nagkaroon ng leukemia na sinabi ng doktor noong nasa ospital pa kami. Ka­baligtaran ‘yun sa liksi niyang klase ng bata. Ako ay nanini­wala talaga na ang na­ging sanhi ng kanyang pagkamatay ay ang itinurok na Dengva­xia sa kanya na sinasabi nilang libre at bigay ng Department of Health (DOH). Ang tiwala na­min sa DOH na ma­bi­bigyan ng proteksiyon ang aking anak na si Darwen ay biglang naglaho at napa­litan ng pagdaramdam at galit dahil ang naging sanhi ng ka­matayan ng aking anak ay ang sinasabi nilang pro­teksiyon niya.”

Ayon sa kanyang Certi­fi­cate of Death, si Darwen ay namatay dahil sa hypovo­lemic shock secondary to acute blood loss (immediate cause), malignant neoplasm of lymphoid, hematopoietic and related tissue, unspeci­fied (antecedent cause), pe­dia­tric community acquired pneumonia high risk with hypoxia (other significant conditions).

Gayunman, ang mga ito na sinasabing sanhi ng ka­matayan ni Darwen ay hindi matanggap ni Junalyn. Aniya: “Sa lumabas na resulta na naging dahilan ng kanyang kamatayan, ito ay hindi na­min pinaniniwalaan. Kaya noong June 20, 2019, humi­ngi kami ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO)-Cebu City District Office para isa­ilalim ang aking anak sa Fo­rensic Examination para malaman namin ang tunay na dahilan nang biglaang pagkamatay ni Darwen.

“Kinakailangan ko itong gawin upang matahimik ang aking kalooban dahil big­laan ang naging pagka­matay ng aking anak. Isa pa, nabakunahan din ng Deng­vaxia ang aking bunsong anak na si Dave Paredes (13 y/o) at nagsisimula na rin si­yang makaramdam ng pana­nakit ng ulo at nilalagnat. Ki­nakailangan naming mala­man kung may epekto ang Dengvaxia sa kalu­su­gan ng aking anak nang maga­wan namin ng paraan na hindi na muling dumaan pa sa pinagdaanan ng aking anak na si Darwen ang isa ko pang anak na si Dave.”

“Kasama sa aming hiling sa PAO ay ang ma­bigyan kami ng tu­long-legal para maipag­laban ko ang kamatayan ni Darwen. Hindi makataru­ngan na ang aking anak ay ma­matay nang napakaaga, sa­mantalang, sa buong la­bin­dalawang (12) taon niya bago mabakunahan ay wala naman itong idinaraing na karamdaman sa akin at ni hindi pa siya naoospital bago naturukan.”

Si Junalyn ay isa sa mga magulang ng mga Dengva­xia recipient na pumanaw na, ngu­nit, mayroong patuloy na nabubuhay na anak (natu­ru­­kan din ng nasabing baku­na) na ngayon ay nakara­ram­dam na rin ng mga parehong sin­tomas na naranasan ng kan­yang yumaong anak.

Ayon kay George Santa­yana: “Those who cannot remember the past are con­demned to repeat it.” Sa ka­song may kaugnayan sa Deng­vaxia, may mga nakara­ang kaganapan at leksiyon na nararapat na makintal sa isipan at kailangan ding ma­tutunan at maisapuso, lalo na ng mga kinauukulan.

Kapag taliwas pa rin dito ang mangyayari ay maaaring marami pa ring mga inosen­teng buhay ang maisasakri­pisyo. Sa pagpaparamdam ni Darwen, maaaring nagna­nais siya na mailigtas ang kanyang kapatid na si Dave, ang batang lumalaban sa dambuhala at mapamuksang virus ng naturang mabangis na bakuna.

Ang aming tanggapan ay patuloy na sumusulong sa pagtataguyod na makamtan ang katarungan para sa mga naturang biktima. Hindi da­pat mabigyan ng puwang pa sa kasaysayan ng ating ba­yan ang mapapait na mga trahedya, lalo na ‘yung mga nais takasan ng maysala at ayaw humarap sa dambana ng hustisya.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page