MAGSASAKA TIMBOG SA SHABU
Pabs Hernandez III
Jul 23, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. A.B. Norte, Llanera, Nueva Ecija.
Ang suspek ay kinilalang si Sonny Areola, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments