SK KAGAWAD TIKLO SA MARIJUANA
Pabs Hernandez III
Jul 20, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang SK kagawad ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng marijuana, kamakalawa sa Bgy. Ajat, Iguig sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si SK Kagawad Marvin Salvador, residente ng Bgy. Nattanzan sa naturang bayan.
Bukod kay Salvador, inaresto rin ng mga awtoridad ang kasama nitong drug pusher na si Reymart Barboza, nakatira rin sa nasabing bayan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng marijuana sa pag-iingat ng mga suspek.





Comments