top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Puring-puri sa galing umarte, Maine… ALDEN, IPINAGSIGAWANG SPECIAL SI KATHRYN SA LAHAT NG NAGING LEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

GINAGAWAN ng intriga at binigyan ng ibang meaning ng ilang fans ang pahayag ni Alden Richards na “I’ve been in the industry for almost 10 years. Lahat po ng mga nakapareha ko, I’m happy to have worked with them, but with Kath po, what makes this special is siya po ‘yung unang nakapareha ko na nasa ibang network.

“Nakita ko po kasi na we share the same passion towards work, towards the craft. Without Kath knowing it, nailabas niya ‘yung ‘di ko mailabas before pagdating sa pag-arte kasi grabe pong magbigay si Kath sa eksena, eh. Hindi po siya madamot.”

Inilaglag daw ni Alden ang iba at mga una niyang naging leading ladies, gayung ang linaw na kaya special ang pagtatambal nila ni Kathryn Bernardo ay dahil ang aktres ang una niyang nakapareha outside GMA Network.

Samantala, rated PG ang Hello, Love, Goodbye at hindi R-18 gaya ng unang inakala. Ibig sabihin, mapapanood ito ng all ages at kailangan lang ang gabay ng mga magulang sa mga batang kasama nilang manonood.

More than 100 na ang scheduled block screening ng pelikulang idinirek ni Cathy Garcia-Molina at pati si Sharon Cuneta, nagpo-promote na rin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page