top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tuloy na tuloy na! BARON, NIYAYA NA NG KASAL ANG PSYCHOLOGIST GF

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 18, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

TULUY-TULOY na talaga ang kasal ni Baron Geisler sa kanyang psychologist GF na si Jamie Evangelista. Kalat kasi ngayon sa social media ang naganap na proposal sa dalawa.

Sa ulat ng Cebu Daily News, naganap ang proposal ng aktor sa nobya sa Maayo, San Remigio, Northern Cebu noong Linggo (July 14).

Saksi sa naganap na proposal ang kani-kanilang pamilya.

Matatandaang Abril ngayong taon nang ianunsiyo ni Baron ang kanyang planong pagpapakasal sa nobya na nakilala niya sa rehabilitation center kung saan siya nagpagamot ng kanyang pagiging alcoholic.

Busy ngayon ang aktor sa pagganap bilang si Bungo sa hit seryeng Ang Pro­binsyano, kaya ewan lang kung this year ba magaganap ang kasal nila ng GF.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page