top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PhP25B, naibahagi sa 1M miyembro ng Pag-IBIG Fund

Thea Janica Teh
Jul 17, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Tuluy-tuloy ang record-breaking na nagagawa ng Pag-IBIG Fund ngayong taon at isa na rito ang nailabas na Php25.57 bilyon sa Multi-Purpose Loans (MPL) o cash loans!

Halos 1,227,023 miyembro ang nakinabang at nakakuha ng kanilang MPL sa loob lamang ng unang anim na buwan ng 2019. Ito ay nagresulta sa 6% increase taun-taon at nalagpasan ang Php24.07 bilyon noong nakaraang taon. Ang bilang ng miyembro at amount ng cash loan na nailabas mula noong January hanggang June ang naitalang pinakamataas.

“Sinusunod lang ng Pag-IBIG Fund ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng sapat na benepisyo at maibigay ang lahat ng tulong sa mga miyembro nito. Kaya naman patuloy lang ang ganitong programa para sa mas affordable loans” sabi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairperson of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Ang mga qualified member para sa MPL Program ay kayang mahiram ang halos 80% ng kanilang total Pag-IBIG Regular Savings o ang kanilang monthly contribution, employer’s contribution at accumulated dividends earned. Ang loan ay payable hanggang 24 months. Ito ay may interest rate na 10.5% per annum.

Dahil sa pag-upgrade ng system noong isang taon, ang mga miyembrong kumuha ng MPL ay maaari nang matanggap ang kanilang loan pagkatapos ng 1.8 working days! Mas pinabilis para sa agarang tulong sa mga miyembro at para mas marami pang miyembro ang mabigyan ng ganitong programa.

♥♥♥

Kamakailan lamang ay nagkaroon na ng turnover sa pagitan nina Chairman and Interim General Manager Anselmo Simeon Pinili at General Manager Royina Marzan Garma. Ito ay kasabay na rin ng pagtanggap ng agency’s flag ni GM Garma. Ito na rin ang opisyal na pagpapahayag na si Garma ang pumalit kay Alexander Balutan sa pagiging General Manager ng PCSO.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page