40 bahay tinupok ng apoy
CAGAYAN DE ORO CITY—Tinupok ng apoy ang 40 bahay sa naganap na sunog, kamakalawa sa Bgy. Macabalan sa lungsod na ito.
Napag-alaman na ang sunog ay nagmula sa tahanan ng isang Jener Wabe at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay ang 39 pang kabahayan na gawa sa light materials.
Nabatid na walang naiulat na nadisgrasya sa nangyaring insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang pinagmulan ng apoy at halaga ng napinsala sa naganap na sunog sa naturang barangay.





Comments