top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit marami nang kahati sa aktor… HIRIT NI MATTEO: SI SARAH PA RIN ANG NO. 1!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2019
  • 2 min read

NAKAUSAP namin ni katotong Melba Llanera at iba pang showbiz media ang boyfriend in real life ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli sa grand mediacon ng Sun Life Financial Kaakbay Stories of Lifetime Partnerships na bagong ad campaign ng nasabing insurance company.

Walang one-on-one interview dahil tipong nagmamadali ang lahat at medyo mahigpit ang ilang nakabantay sa mga endorsers ng Sun Life tulad nga nina Matteo, Piolo Pascual, Enchong Dee, Iñigo Pascual at Madam Charo Santos.

‘Niwey, mostly, ang naging topic namin kay Matteo ay ang tungkol sa kanyang pagpasok sa Army bilang reserve officer or bilang reserve soldier ng ‘Pinas, lalo na nang dumalaw sa training camp nila ang kanyang “Love” na si Sarah Geronimo with matching dialogue na… “Iuuwi na kita,” kasi nga, tipong pumayat at nawala ang pagkaglamoroso looking ni Matteo, sa true lang.

So, ano ba ang number one priority niya ngayon sa kanyang buhay — ang maging sundalo sooner than soon, ang pagiging artista-cum singer or si Sarah Geronimo?

Nilinaw naman ng Kapamilya star na sa kabila ng pagiging abala niya sa showbiz at sa pagiging sundalo, nananatiling number one priority niya si Sarah.

“Sarah is number one, always a priority,” paglilinaw niya sa amin.

Marami raw natutunan at nabago kay Matteo mula nang matapos niya ang isang buwang training.

‘Yung pinaka-learning ko ru’n, ma-enjoy ‘yung pinaka-basics sa buhay.

“Kahit nasa bundok ka nang apat na araw or nang isang linggo, ‘yung hangin lang, parang nasa heaven ka, para kang nasa isang five-star hotel.

“Isa pang natutunan ko ay ang respeto sa mga sundalo. Pero kahit nu’ng civilian pa ako ay sobrang inirerespeto ko ang mga sundalo,” pahayag sa amin ni MG.

Pero siyempre, hindi rin nawawala ang respeto niya kay Sarah bilang girlfriend at bilang babae, dahil kung hindi, malamang sa hindi, noon pa niya nabuntis ang Pop Princess ‘coz karamihan sa mga kabataan nga­yon, sobrang mapupusok, lalo na pagdating sa sex life! Tsuk! May ganern, ‘noh!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page