Tanod todas sa riding-in-tandem
COTABATO CITY—Isang barangay tanod ang namatay at sugatan naman ang kasama nito nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa RH-10 Road sa lungsod na ito.
Kinilala ang nasawi na si Jimran Midtimbang at ang sugatan naman ay si Benjie Abdillah, kapwa residente ng Bgy. Rosary Heights sa nasabing lungsod.
Nabatid na lulan ng motorsiklo sina Midtimbang at Abdillah nang dikitan sila ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad silang pinagbabaril.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Midtimbang.





Comments