Lolo dedbol sa van
PANGASINAN—Isang 74-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van sa national highway sa bayan ng Labrador sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Baltazar Castillo, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada si Castillo nang aksidenteng mabangga ito ng van na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa driver ng van.





Comments