top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ginebra San Miguel, 185 years na nating kasama sa bawat selebrasyon

Thea Janica Teh
Jul 8, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Kasa­ma na ng mga Pilipino sa bawat selebrasyon ang Ginebra San Miguel, saan­man sa bansa, anuman ang estado sa buhay, sa magarbo o simpleng pagtitipon, present ito sa halos sampung hene­rasyon mula pa noong 1834.

Higit sa inumin, ang Ginebra ay kumakatawan sa ganado, hindi sumusuko at never-say-die spirit ng mga Pilipino. Kaya bilang all-time favorite ng mga Pilipino, ang Ginebra San Miguel ay isang malaking pagtitipon ang ginanap kamakailan kasabay ng World Gin Day na ginanap sa Seda Vertis North, Quezon City.

Sa temang “One Ginebra Nation”, ibinida ng Ginebra San Miguel ang makulay nitong kasaysayan sa pamamagitan ng pagtampok ng iba’t ibang piyesta at pagkaing Pinoy na maipagmamalaki sa buong mundo. Kapares ang mga inihandang pulutang Pinoy, hindi siyempre nawala ang nakagisnan nang pagtagay sa Ginebra San Miguel.

Sa pangunguna ni Miss Universe 2015 at Ginebra San Miguel Calendar Girl Pia Wurtzbach, aktres at endorser ng GSM Blue na si Sue Ramirez, at sikat na komedyante at GSM Premium Gin endorser na si Alex Calleja, iba’t ibang Ginebra cocktails mula sa orihinal na recipes ng world-class mixologists na sina Kalel Demetrio, Enzo Lim at Icy Mariñas ang ginawa para sa mga panauhin.

Tampok din sa pagdiri­wang ang pagtatanghal ng musical tungkol sa 185-taong kasaysayan ng Ginebra San Miguel na idinirek ng award-winning director na si Rommel Ramilo at pinag­bidahan ng aktor mula sa sikat na musical na Miss Saigon, si Gerald Santos, kasama ang mga endorser na sina Pia Wurtzbach, Sue Ramirez at Alex Calleja na may espesyal na pagganap.

Patikim pa lamang ang mga ito sa One Ginebra Nation Tour! Abangan natin ang iba’t ibang pakulo at promos na hatid nila sa atin. Isa na rito ang One Ginebra Nation Truck na magpapatikim sa atin ng iba’t ibang hand­crafted cocktails at maglilibot all over the Philippines! Bisitahin lamang ang kanilang website sa www.one­ginebranation.com para sa iba pang detalye.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page