top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Unang 6 na buwan ng 2019, highest record ng Pag-IBIG Fund sa housing loan!

Thea Janica Teh
Jul 7, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Naglabas ng halos Php37.07 bilyon ang Pag-IBIG Fund para sa home loans sa unang kalahating buwan ng taon. Ito ay tumaas ng Php4.37 bilyon o 13% kumpara sa Php32.70 bilyon noong 2018. Ito na ang highest record amount released ng ahensiya sa loob ng anim na buwan mula January hanggang June.

Samantala, 41,746 bahay ang naibigay sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na isa rin sa highest record nito sa loob lamang ng unang anim na buwan ng taon. Mas mataas ng 4% kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, head ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees na ang unang anim na buwan ng 2019 ang pinakamaganda at outstanding performance ng Pag-IBIG Fund, so far.

Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang patuloy na pagtaas ng home loan ay makaaapekto sa mas mababang interest rate, high loan-to-appraised value ratio, long repayment period at mas pinagandang insurance term.

♥♥♥

Isang masuwerteng manlalaro ng Superlotto 6/49 ng PCSO ang nakasungkit ng jackpot prize na nagkakahalagang Php 58,865,965.40 matapos ang bola noong ika-2 ng Hulyo, 2019.

Ayon sa Gaming Technology Department ng PCSO, ang winning ticket na may kumbinasyong 28, 24, 26, 18, 22 at19 ay nabili sa lotto outlet sa bayan ng Vinsons, Camarines Norte.

Kabilang sa mga nag-uwi ng premyo ang 35 manlalaro na nakakuha ng 5 tamang numero at nagwagi ng tig-Php21, 990, samantalang 1,509 manlalaro naman ang nakakuha ng 4 na tamang numero at nanalo ng tig-Php 400 at 20,379 naman ang nanalo ng tig-Php 24.

Para sa mga winning combination at schedule ng iba pang PCSO gaming products, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PCSO sa www.pcso.gov.ph, FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmediaat youtube account PCSO GOV.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page