top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Yes po, ganu'n po siya… RICH NA YOUNG ACTRESS, WA' PAKI SA CAREER, 'PAG BORED, BIGLANG M

  • Erlida Rapadas
  • Jul 5, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

ABIS na nagtataka ang mga taong nakapaligid sa young actress dahil parang hindi siya gaanong concerned sa takbo ng kanyang showbiz career ganu’ng halos magpakamatay ang ibang kasabayan niyang artista upang mabigyan lamang ng magagandang projects.

Magaling namang umarte ang young actress at nagbibida na sa pelikula at telebis­yon. May taglay siyang kakaibang karisma at malaki na rin naman ang kanyang pangalan.

Pero, may isang ugali ang magandang young actress na kapag may naisip gawin sa buhay, eh, bigla na lang siyang magdi-disappearing act.

Basta na lang siyang magbibiyahe abroad at tumatagal doon base sa kanyang mood! Basta enjoy lang siya sa kapapasyal sa mga bansang gusto niyang puntahan at doon na mini-meet ang kanyang BF.

Wala naman kasing problema sa pera ang young actress dahil super richie-richie siya at may minanang milyones sa kanyang yumaong ama. Bukod pa sa kumikita rin naman siya nang milyun-milyon sa mga pelikula at teleseryeng kanyang ginagawa.

Kapag naiinip sa ‘Pinas, aalis na lang siya at magliliwaliw hanggang gusto niya. Dedma siya kung wala muna siyang project. Tutal, kaya naman niya ang magbuhay-prinsesa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page