top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Knows mo 'yan, Kim? ALEX, KUMANTA SA NAKARAAN NILA NI XIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KILALA si Alex Gonzaga sa pa­giging prangka at pagsagot niya sa mga netizens na nam­ba-bash at lumalait sa kanya.

Isa na rito ang pamba-bash ng ilang netizens sa pagkatalo ng ama niyang si Carlito “Bonoy” Gonzaga na tumak­bong mayor ng Taytay, Rizal.

Sa panayam ng PEP.ph sa Kapamilya actress/vlogger, inamin nito ang rason kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili sa pagsagot sa mga bashers tungkol dito.

Aniya, “Totoo nga ‘yung sinabi ng ate ko na ‘pag kami naba-bash, okay lang. Pero ‘pag ‘yung magulang mo, iba.

“Parang nabubuwisit ka na pa­rang, ‘Ano ang karapatan mo na gan­yanin ang mahal ko sa buhay?’

“Siyempre, lalo na ‘yung sa daddy ko na parang may mga ibang tao na ‘di naman nila kilala ang daddy ko... Tapos, ‘di naman nila alam ang mga nagawa ng daddy ko, naitulong ng daddy ko... So, parang they are celebrating someone’s misfortune.

“Parang for me, it’s not right, tapos kukutyain mo pa. Tapos, sa page ko. Okay lang naman sa ibang page, pero ‘wag sa page ko.”

Sinigurado ni Alex na okay lang ang kanyang ama dahil agad nitong natang­gap ang pagkatalo sa eleksiyon.

“Okay lang. Parang wala namang ano ‘yun, eh. Kasi bago naman puma­sok ‘yun, alam naman niya na may chance manalo, may chance matalo, so okay na ‘yun.

“Sabi niya, ‘Sa tagal ko sa mundo, alam ko na ‘yung ganyan. ‘Di ninyo na kailangang mamroblema,’” pali­wanag ni Alex.

Sa ngayon, abala si Alex sa peli­kulang pagsasamahan nila ni Xian Lim. Excited ang aktres dahil fan pala siya ng KimXi love team.

Kuwento ng aktres, “I’m so excited. Actually, this is my concept. Natutuwa naman ako na na-develop ng Ten­17p and TinCan, tapos Viva will also produce it.

“I’m really happy to be able to do a movie with Ten17p, TinCan and Viva, with Xian and Direk RC, same director of Mary, Marry Me.”

I Love The Way You Lie raw ang titulo ng pelikulang pagsasamahan nila ni Xian na tungkol sa isang tao na gustong makahanap ng way para ma­kausap ang namayapa niyang asawa.

Aniya, “Ako ‘yung magiging way but makikipag-compete ako ru’n sa asawa niya na patay. Parang ganu’n, magkakagusto rin ako.”

Kuwento pa niya, “Fan ako ng KimXi noon pa. Saka dati pa, nakatrabaho ko na si Xi, unang-una pa lang niya sa My Girl. Unang-una niyang eksena, kami ang magkasama.

“So, happy naman ako, tapos ka-work ko sa PBB si Kim, so I know everything is okay. Wa­lang magiging ilangan.”

Bukod sa kanyang show­­biz career, sumikat nang husto si Alex sa paggawa ng mga vlogs sa YouTube, na sinun­dan din ng kanyang ate na si Toni na may 1M subscribers na kahit tatlong buwan pa lang ito.

Biro ni Alex, “Nga­yon, gumagawa ako ng mga dummy accounts para i-bash naman siya.

“Lagi din naman niyang ipinapakita sa akin ang mga ipino-post niya, very supportive naman. Basher pala ako! Hahahaha!”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page